Powered by Blogger.

Thursday, November 3, 2011

Gusto mo ng Race Kit?

Image source: www.wpclipart.com
Sinadya kong gawing Filipino-English ang post ko na ito, para siguradong maintindihan ninyo.

Talagang gusto mo ng Race Kit, huh?

Eto ang mga TAMANG paraan:
  1. Magpa-register at magbayad - Eto ang pinaka-siguradong paraan para magkaroon ng Race Kit.  Siguraduhin lang na di pa tapos ang registration period.
  2. Sumali sa mga pa-contest ng Race Organizer - Minsan, pag ang sponsor ng Race ay maraming budget, may contest promo sila kung saan ang premyo ay Race Kit.  Yep!  At ang mga contest na ito ay madalas pinadadaan sa mga popular na blogs.  Kaya standby lang, magdasal ng mataimtim at umasa na magkaroon ng pa-contest.  Nawa'y manalo ka sana.
  3. Maging media partner - Isa rin itong paraan para magkaroon ng Race Kit.  Pero lilinawin ko lang: kapag may budget ang Race Sponsor / Organizer, may libreng Race Kit ang media partner.  Pag wala kang nakuhang libreng Race Kit, makiramdam ka naman.  Baka maliit lang talaga budget ng Race Organizer / Sponsor.  May may Race Events akong sine-share dito na wala naman akong nakukuhang libreng Race Kit.  At nagpapa-register at nagbabayad ako kung talagang gusto kong sumali.
At eto naman ang mga MALING paraan:
  1. Gamitin/Bilin ang Race Kit ng iba - Ok, umaayon ako sa iyo na sayang naman ang Race Kit kung hindi itatakbo.  Pero bukod sa hindi mo pangalan ang lalabas sa Race Results, hindi ka rin INSURED.  At hindi liable ang Race Organizer sa iyo, kung sakaling may masamang mangyari sa iyo.  Bakit 'ka mo?  Kasi, di naman ikaw ang naka-pirma duon sa registration form.
  2. Magpa-imbita sa Race Launch as media partner - Naman!  Hintayin mo naman na maimbita ka ng Race Organizer sa launch nila.  Basta, sulat ka lang ng sulat, at mapapansin din ang blog mo.  At pakatandaan: may budget na mina-manage ang Race Organizers.  Tsaka, hindi sigurado na laging may Race Kit ha.
  3. Mag-BANDIT - Ganito na lang: gusto mo bang ma-gatecrash ang party mo ng mga taong di mo imbitado?  Wag na wag kang tatakbo sa ruta ng isang karera na hindi ka registered, kasi, ginagamit mo pa rin ang kalsadang sinarado para sa mga registered runners.
Sana may natutunan ka sa post kong ito.  Ingat at kita kits!

0 comments:

Blog Archive

Contact Form

Name

Email *

Message *

  © Blogger templates ProBlogger Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP